Carl Willees Tiopianco
Joy Grace Makalintal
Cherizza Joy dela Cruz
Isang araw bago kami maglakwatsaklat, kami ay nagiisip ng maigi kung saan kami dapat magpunta na hindi pa napupuntahan ng ibang mga estudyante. Naiisip namin agad ang phoenix publishing house. Wala pa kaming naiisip na iba pang pwedeng puntahan kapag hindi pwede doon. Kaya nung umaga, nagkita kita kami sa tapang ng
Sumakay kami ng jeep papuntang taft at sinabay na si joy mula sa UST. Si joy ang pinagbayad naming ng pamasahe dahil siya ay late. Hehe. Bumaba kami ng jeep at dumaan sa underpass. Habang naglalakad kami ay nagtatawanan kami dahil kami ay hindi mga estudyante doon at buti na lamang ay wala silang uniporme doon kaya di kami masyadong halata. Nang kami ay papasok na, nagtanong kami sa guard kung saan maaaring kumuha ng gate pass. Itinuro kami sa opisina malapit doon. Pagpasok pa lamang naming, napansin naming ang kabaitan ng mga staff doon. Sila ay madling lapitan at hindi masusungit. Pinaghintay nila kami sandali doon dahil tumawag muna sa library. Pagkalipas ng ilang minuto ay pinasulat na kami sa guestbook at biniyan ng visitor’s pass. Ang library nila ay nasa ikalawang palapag, west wing. Pumasok kami sa kanilang canteen ngunit lumabas kami dahil hindi ata doon ang daan. May nakita kaming ibang hagdanan sa may west wing ngunit pagakyat naming ay exit door lang pala doon. Tama nap ala yung dinaanan namin kaya bumalik na kami doo sa canteen at umakyat doon sa hagdanan doon. Pagkapasok namin sa aklatan ay nagsign kami doon. Pumunta kami sa information deck nila at nagtanong kung saan kami maaaring makipagpanayam. Itinuro kami sa discussion room nila at nilawag ang kanilang chief librarian.
(ang kanilang aklatan ay para lamang isang classroom. ito ay nasa tapat ng hagdanan sa ikawang palapag ng west wing)
Sinalubong kami ng ngiti ni Mam Veronica Jose, Chief Librarian, at pinaupo. Siya ay nagtatrabaho sa kanilang aklatan simula pa noong 1980 hanggang sa kasalukuyan. 29 na taon na siyang naglilingkod sa kanilang aklatan at nagsimula ito noong nag OJT siya. Siya ay naging assistant circulation librarian at matapos yun ay dalawang taon siyang nagging head librarian at tsaka nagging Chief Librarian. Kasama siya sa development ng kanilang aklatan. Dati daw ay naka-chicken wire ang kanilang aklatan na close door access sa mga estudyante. Ang gamit nilang system sa kanilang on line library ay Athena.
(sa unang litrato: mula sa kanan, Che dela Cruz, Michael Hernandez, Veronica Jose, Jing Chantengco at Carl Tiopianco; sa ikalawang litrato: Joy Makalintal, Michael Hernandez, Veronica Jose, Jing Chantengco at Carl Tiopianco)
Ukol sa kasaysayan ng kanilang aklatan, sa website na lamang daw nila namin kuhanin. Nasaliksik namin ay ito:
The library had its humble beginning in the year 1925 when the Institute was founded. The library then was one room affair and it catered to the few pioneer students and faculty members, who at that time required relatively simplistic needs.
In 1965, the Mapúa Library is housed in three places: 1) the Main Library on the fifth floor of Building E in Avenida Rizal, 2) the Intramuros Branch Library on the fourth floor of the
At present, The Mapúa Institute of Technology Library comprises the Main Library and two branches, namely, Architecture Library and Mapúa -
Mapúa Main Library and one of its branches are housed in Intramuros Manila, the other branch is in Makati which operation started in 2001; 1) the Main Library is located at the second floor, West Building 2) the Architecture Library at the fourth floor, South Building and 3) Mapúa-Makati, Library at the third floor, West-Wing of the School Building in Makati.
The main library and its branches, fully air-conditioned, monument the Institute's desire to give students and faculty the best in library facilities. Each of the three libraries carries materials suited to the courses offered namely, Architecture, Chemistry, Chemical Engineering, Mining, Mechanical Engineering, Civil Engineering, Electrical Engineering, Computer Science, etc.
To fulfill the instructional and research needs of the faculty and students, the library maintains adequate volumes of books, highly paid and free subscriptions, complemented with vertical file materials, collection of maps, non print and digital materials, undergraduate/graduate theses collection and other pertinent materials that support the curricula of the school.
http://www.mapua.edu.ph/Library/History.aspx
Ang bilang ng kanilang libro ay 45,000. karamihan ng kanilang koleksyon ay pang-teknikal dahil mga inhinyero ang mga estudyante sa kanila. Madala sa kanilang aklatan ang mga inhinyero. Sa naobserbahan namin pagpasok namin doon ay madaming estudyante na nagbabasa.
Ang kanilang mga programa upang mapalawak ang pagtangkilik ng mga estudyante sa kanilang aklatan ay ang mga sumusunod:
- Monthly List Current Awareness
- Library Committee Representative
- National Book Week
- Top Borrowers and Library Users
- Amnesty for Delinquent Borrowers
Pagkatapos noon ay nagpasalamat kami kay maam Veronica sa mabait na pakikipag-usap sa amin. Labis naming ikinagalaka ang kabaitang ipinakita niya sa amin. Hinayaan niya kaming kumuha litrato sa kanilang mga aklat kahit na ito’y bawal. ang kanilang mga libro ay nakapangkat depende sa majors ng engineering.
ang kanilang aklatan ay maliit lamang. parang isang seksyon lamng ng ating aklatan sa UST. ang dahilan daw ay maliit lamang naman daw ang kanilang institution at pang inhinyero lamang ang kanilang aklat.
(ang kanilang information desk sa aklatan)
ng matapos kami ay nagpunta kami sa landmark na nasa tapat ng Mapua. Kasbay ng aming paglalakwatsa ay ang pag-eexplore ng lugar sa Maynila.
sa aming paglalakwatsa para maghanap ng aklatan na maari naming itampok para sa aming blog, kami ay madaming natutunan. una na dito ay dapat palaging punctual. hindi na kami makapili ng aklatan o publishing house dahil sa kailangan pa ng sulat pahintulot bago makapag panayam sa kanila kaya nagbaka sakali na lamang kami. isa pa sa aming natutunan ay iba iba ang koleksyon ng bawat aklatan. binabase nila ito sa kanilang tagapagtangkilik. importante din na maraming mga libro sa isang aklatan para maging pakipakinabang ito. mahalaga ang pagbabasa. namangha ako pagpasok namin sa kanilang aklatan dahil lahat talaga ng mga estudyante doon ay nagaaral. hindi katulad sa atin na maraming nagkwekwentuhan at natutulog.
ang aklatan ay mahalaga sa ating lahat dahil ito ay makakatulong sa pagpapaunlad ng ating kaalaman.
